Ang Spooky Wars ay epikong laro na pinaghahalo ang depensa ng tore (tower defense o TD) at mekaniks ng diskarte na may elemento ng aksiyon.
Layunin mong pangunahan ang iyong hukbo ng mga nakakatakot na nilalang para manalo. Bubuo ka ng deck, magtitipon ng mga kawal, at magtatayo ng kastilyo para durugin ang iyong mga kaaway. Iligtas mo ang mga kawal mo! Iligtas mo ang kastilyo mo! Iligtas mo ang Kaharian!
Isa itong mabilis na laro ng diskarte kung saan kailangan mong mag-isip nang mabilis! Piliin mo ang diskarte mo at sagupain ang mga kaaway mo sa kapana-panabik na larong digmaang ito. Idinisenyo para sa mga mahilig sa depensa ng tore, pero pinahusay ng maraming diskarte, ang Spooky Wars ang larong labanan ng card na hinahanap mo.
Mangolekta at mag-upgrade ng higit 50 cards para palakasin ang iyong hukbo at patatagin ang iyong kastilyo. Magsanib-puwersa sa mga nakakatakot na alamat tulad nina Frankenstein, Dracula, Werewolf at marami pang iba. Palibutan mo ang kastilyo mo ng mga makapangyarihang armas mula Bombards at Crossbows hanggang sa malakas na Lasers at Teslas.
Pumasok sa arena at sagupain ang iyong mga katunggali sa mga epikong digmaan para sa karangalan at tagumpay. Buuin ang pinakamalakas na deck at durugin ang iyong mga kaaway. Sa labanan, diskarte at aksiyon ang mahalaga.
Sumusugod na ang mga kaaway sa iyong kastilyo. Huwag mong hayaang wasakin nila ang kaharian mo!
Mga Tampok
⭐️ Mangolekta ng higit 50 cards para ma-upgrade ang iyong nakakatakot na mga kawal at kastilyo
⭐️ Maglaro sa 6 na iba-ibang labanan
⭐️ Maglaro ng Quests sa 3 iba-ibang moda ng laro
⭐️ Maglaro kasama ang mga kaibigan at lumaban sa mga lokal at pandaigdigang mga leaderboard.
⭐️ Sagupain ang mga kaaway mo at maging pinakamahusay na manlalaro sa mundo
⭐️ Tipunin mo ang iyong hukbo at lumaban para sa karangalan
⭐️ Atasan at kontrolin ang mga yunit mo sa labanan
⭐️ Nakaaadik na gameplay ng diskarte at aksiyon
⭐️ PvP (Manlalaro vs Manlalaro na labanan) malapit na, at may online na multiplayer (Real Time, hindi salit-salitan)
⭐️ Libreng laro: maglaro sa iyong phone at tablet
⭐️ Laro ng labanan ng diskarte
Handa nang magsimula? Laruin ngayon ang epikong larong card na ito nang libre!
Na-update noong
Okt 18, 2024
Kumpetitibong multiplayer